“PAANO PUMUNTA AT KUMUHA NG TIN NUMBER SA BIR SINDALAN, SAN FERNANDO, PAMPANGA”?
Isa sa tanong na kailangan ng sagot, heto ang steps kung paano mo makukuha ang BIR TIN NUMBER mo.
Note: Pakibasa ng mabuti sa mga mahal naming passed applicants 🙂
👇👇👇
1. Kunin ang 1902 BIR Form na may fill-up na ng TNS Manpower sa TNS OFFICE.
2. Pagkatapos, kailangan mong fill-up’an ang mga impormasyon gaya ng buong pangalan (last name-name-middle name), birthday, sex, citizenship, local address at civil status.
3. Huwag kalimutan ilagay ang buong pangalan at pirmahan sa ibabaw ng pangalan sa may Taxpayer (Employee).
4. Magdala ng original at xerox copy ng NSO/PSA or any valid id (ex. Drivers license, PRC ID or passport), Marriage contract (kung meron), or NSO/PSA ng dependents (kung meron)
5. Pwede ka ng pumunta sa BIR Sindalan, San Fernando, Pampanga
6. Sumakay ng pa’ANGELES na jeep.
7. Bumaba sa may Jenra Grandmall Angeles tapos sumakay ng pa’SM TELABASTAGAN na jeep.
8. Pagdating sa may SM TELABASTAGAN, sumakay ng jeep pa’SAN FERNANDO, PAMPANGA at sabihin sa driver “sa may BIR Sindalan lang po”.
9. Lumapit sa guard para maglog-in at sabihin ang pakay niyo sa loob ng BIR.
AGAHAN PUMUNTA, DAHIL MAHABA-HABA ANG PILA. MAGBAON NA RIN PO NG MAHABANG PASENSIYA AT PAGKAIN.
Post by Betany De Jesus