TIPS PARA TUMAAS ANG PAGKAKATAONG PUMASA SA JOB INTERVIEW

 

1. Mag “research” tungkol sa company.
(Alamin ang mga impormasyong tungkol sa kumpanya na nais pasukan o aplayan na makakatulong saiyo, mas magandang sumabak sa isang gera na handa at puno ng kaalaman)

2. Pag-aralan ang mga pangkaraniwang itinatanong sa job interview.
(Mag-isip kana ng mga karaniwang tinatanong kapag may job interview at ihanda mo na rin ang mga pwede mong isagot na akma sa mga tanong)

3. Sabihin ang kahinaan at kalakasan mo.
(Bawat tao, may kalakasan at kahinaan kaya magpakatotoo ka lang. Ipakita ang tunay mong kalakasan, mga kuwalipikasyon na pwede mong ipagmalaki at kung itinanong saiyo ang iyong kahinaan, sabihin ang totoo at kung paano mo ito magagamit para hindi maging sagabal sa anumang trabaho na kakaharapin)

4. Magtanong ng naayon sa sitwasyon at lugar.
(Ibatay ang mga itatanong sa trabahong papasukan, alamin mo kung ito ba ay dapat o di dapat pang itanong)

5. Iwasan ang paulit-ulit.
(May mga pagkakataon na nawawalan ka na ng sariling identipikasyon, “gaya-gaya”. Umiwas sa paulit-ulit na paraan, ipakita mo kung ano at ang totoong ikaw, ilabas ang mga kaya mong gawin para makatulong sa kumpanya na iyong papasukan)

6. Ihanda na ang iyong mga kumpletong dokumento.
(Siguraduhing dala mo ang iyong “Updated Resume”, tandaan wag kalimutang lagyan ng pormal na picture at white background. Bawal ang mga selfie at di kaaya-ayang litrato sa resume, dahil ito ang pinakasandata mo para maipasa ang job interview. Magdala rin ng iba pang dokumento na maari mong magamit)

7. Huwag kalimutan ang sarili.
(“First impression lasts”, sa pag-aapply siguraduhing presentable at magdamit ng naayon sa position inaaplayan. Iwasang magsuot ng mga sumusunod:
• Sando
• Sleeveless
• Shorts
• Tsinelas
• Butas-butas na pantalon o palda (ripped jeans)
• Backless
• See thru na tela o damit

 

All our dreams can come true— if we have the courage to pursue them. — Walt Disney