Nakalimutan or nawala ang SSS, PhilHealth, Pag-Ibig and BIR TIN Number
Kung nakalimutan mo ang iyong mga Mandatory Benefits Number at nawala mo rin ang iyong mga form/ID, ano nga ba ang dapat gawin para muling malaman ang iyong mga Number?
1. Pumunta sa pinakamalapit na SSS, PhilHealth, Pag-Ibig and BIR TIN Number Branch.
2. Magdala o mag-attach ng kopya ng iyong any ID bilang iyong identipikasyon.
3. Pumila at hintayin mabigyan ng VERIFICATION SLIP, (doon sa slip na makikita ang iyong SSS, PhilHealth, Pag-Ibig and BIR TIN Number at iba pang impormasyon tungkol sayo.
4. Ang VERIFICATION SLIP mo ay original copy na, yun ang pwede mo ng gamitin or ipaphotocopy para sa iyong requirements.
Tandaan:
✔️Ang SSS, PhilHealth, Pag-Ibig and BIR TIN Number na ibinigay sayo ay unique at lifetime mo nang numero. Ito ay dapat mong gamitin sa lahat ng iyong transaksyon.
✔️Hindi ipinapayo na magkaroon ang isang miyembro na higit pa sa isang number dahil ito ay maaring maging dahilan ng pagka delay ng iyong pag-claim ng iyong benepisyo at loan.